( Iniaangat o itinataas ni ALLAH ang mga Mananampalataya sa inyo at gayon din ang mga nagtataglay ng kaalaman sa mga matataas na antas ). Surah Almujadala 11
Kabilang sa mga salita ng mga Scholars:
Ang pagsasaliksik ng kaalaman sa ISLAM ay inobliga sa mga lalaki at babae sapagkat di natin masasamba ng tama ang ALLAH na kung saan ito ang dahilan ng pagkakalikha nya sa atin kundi sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng kaalaman sa ISLAM.
Sabi ni ALLAH:
( At iyong ipanalangin o Muhammad: O aking Panginoon(ALLAH) dagdagan mo ang aking kaalaman sa ISLAM ). Surah Taha 114
Kabilang sa mga salita ng mga Scholars:
Magsaliksik kayo ng kaalaman mula sa duyan hanggang libingan. - Ang kaalaman ay mas mataas ang antas kaysa sa yaman sapagkat ang kaalaman ay sya ang nagpapahalaga o nagpoprotekta samantala ang yaman o ari-arian ay sya ang pinuprotektahan o iniingatan. - Ang lahat ng bagay ay nagiging mura kapag dumarami maliban sa kaalaman sapagkat kapag dumami ang kaalaman ay mas tumataas o nagiging mahal ang hal
Sabi ni ALLAH :
( Sabihin mo O Muhammad magkapantay o magkatulad a ang mga may kaalaman sa Relihiyong Islam at silang walang kaalam-alam sa ISLAM ? Tunay na hindi sila magkatulad at ang tanging nakababatid ng pagkakaiba nila ay ang mga taong may matitinong kaisipan ). Surah Zumar 9