Ang lahat ng papuri ay kay Allah, at nawa'y ang kapayapaan at mga pagpapala ay mapasakamay ng Sugo ni Allah.
Ang Jabriyyah ay yaong nagsasabing ang alipin ay napipilitan sa kanyang mga gawain at wala siyang pagpili sa mga ito, at ang kanyang mga gawain ay tulad ng paggalaw ng isang punong ina-alog ng hangin. Kabaligtaran nila ang Qadariyyah na tumatanggi sa banal na pagtatadhana, na naniniwalang ang alipin ay lumilikha ng kanyang sariling mga gawain.
Tungkol naman sa Ahl al-Sunnah wa al-Jama'ah, ang kanilang pananaw ay nasa pagitan ng dalawang pangkat. Pinatutunayan nila na ang alipin ay may tunay na kagustuhan, layunin, kakayahan, at pagpili, ngunit sa kabila nito ay hindi siya lumalabas sa kagustuhan at pagtatadhana ni Allah. Sinabi ni Allah تعالى: “At hindi ninyo nanaisin maliban kung nanaisin ni Allah.”
Samakatuwid, ang alipin ay hindi napipilitan na wala siyang pagpipilian, at hindi rin niya nililikha nang malaya at hiwalay ang kanyang mga gawain. Sa halip, kumikilos siya ayon sa kanyang sariling pagpili at kagustuhan na ipinagkaloob sa kanya ni Allah, at ang lahat ng ito ay saklaw ng kagustuhan at pagtatadhana ni Allah.
At si Allah تعالى ang higit na nakaaalam.